Monday, March 3, 2014

CHANGE IS THE ONLY WAY

Tuwing bagong taon uso ang new years resolution. Nangangako tayo sa ating mga sarili na tayo ay magbabago na. Pero karamihan sa atin hindi na naniniwala sa new years resolution dahil madalas naman daw etong hindi natutupad. Kaya walang improvements na nangyayari. Madalas kong marinig sa aming trainings na kung gusto mo ng pagbabago lahat ay maguumpisa sa desisyon mo. Everyday is a new day to start! Kung paulit-ulit mong ginagawa ang isang bagay, paulit-ulit rin ang magiging resulta.

Noong mga bata pa tayo, madalas tayong natutumba pero hindi tayo sumusuko, bumabangon tayo. Hindi naman kasi natin kagustuhang nakaupo nalang habang buhay diba? Nangangarap rin tayong maging superheroes na nakikita natin sa mga cartoons at pelikula. Minsan pa nga ay nagcocostume tayo dahil alam natin na kaya nating lumipad, maging malakas at makapangyarihan. Sobrang taas ng mga pangarap natin noon at pilit nating inaabot.

Pero ngayong nasa tamang edad na tayo, unti-unti ng humihina ang ating kumpyansa na maabot ang ating mga pangarap. Oo, nangangarap nga tayo pero hanggang pangarap nalang ang mga eto dahil naiisip natin na hindi natin kayang gawin ang mga iyon. Tuwing may tanong sa atin na kung kaya nating gawin ang isang bagay. Pagdududahan pa natin ang ating mga sarili at isasagot nalang natin na ‘Hindi ko kaya yan!’ ; ‘Hindi ko linya yan!’; ‘Wala akong kakayahan diyan!’ at eto pa kung minsan: ‘Kuntento na ko sa buhay ko’. Yan ang mga madalas na isinasagot natin sa mga oportunidad na dumarating sa atin.

Dapat nating ma-realize sa ating mga sarili na mayroon tayong higit na potensiyal na makakapagpabago ng ating buhay. Ang ating kakayahan ay hindi limitado sa minimum wage o kahit above minimum wage pa yan. Buksan lang natin ang ating mga isip at tangalin ang pagdududa sa ating mga kakayahan.




Kung nagustuhan mo at may natutunan ka sa blog kong eto. Please click LIKE and pwede kang magcomment below. Kagustuhan ko pong malaman ang iyong opinyon. 



No comments:

Post a Comment