MARSO NA GRADUATION NA! ! Marami
nanamang kabataan ang magmamartsa at tutung-tong sa entablado para tumanggap ng
diploma o awards. Napakaraming mga magulang ngayong Marso ang matutuwa at
magiging proud dahil masusubay-bayan nila ang kanilang mga anak na tatanggap ng
diploma. Nursery, elementary, high
school hanggang college, lahat ng lebel ng edukasyon ay nagdiriwang ng
GRADUATION taon-taon. Lahat ng
sakripisyo ay
ginawa ng ating mga magulang makapagtapos lang tayo sa pag-aaral. Ang tradisyon
na kasalalukuyang sinusunod pa rin hanggang ngayon ay “Mag-aral ng mabuti, get
a good grades, magtapos sa kolehiyo, maghanap ng trabaho, aasenso ka.” Sa mga panahon ngayon, sa palagay mo totoo pa
ba eto?
Expect the
unexpected. Ano nga ba ang mga hindi inaasahan na mangyari ilang buan o taon
pagkatapos ng graduation? Hindi ba ay nadadag-dagan ang bilang ng mga college graduates?
Lahat ay nag-aagawan sa maliit na oportunidad at dumadami pa lalo ang walang trabaho
dito sa ating bansa. Ang uso pa ngayon contractual, 5 buan lang na trabaho,
pagkatapos wala nanaman. Ayon sa pinakahuling survey ng SWS last December 2013
mahigit 12 Milyong Pilipino ang jobless. Halos 3 Milyon dito ay college
graduates. Hindi nagtatapos diyan ang bilang, taon-taon madadagdagan pa yan. At
kung hindi gagawa ng solusyon ang ating gobyerno, wala mangyayari.
Nangunguhulugan
bang dadami pa ang magugutom na mga Pilipino? Paniguradong tataas rin ang
bilang ng krimen sa ating bansa. Dahil sa problemang pinansiyal at kahirapan, ang
isang tao ay maaring kumapit sa patalim at idaan nalang sa marahas na
pamamaraan para mabuhay lang.
Mang-ibang bayan para maghanapbuhay kapalit
ang kaligtasan at pagkawalay sa pamilya. Maraming OFW’s ang inaabuso ng
kani-kanilang mga dayuhang amo, laganap pa rin ang terrorist acts abroad,
andiyan ang pangingidnap at pagbobomba sa mataong lugar. Kamakailan lang ang
balitang dalawa pinoy ang namatay sa pagbobomba sa bansang Qatar.
Sa mga ganitong
situasyon. Hahayaan mo ba na mangyari sayo eto? maging sa mga kamag-anak,
kakilala at mga kaibigan mo? Para sayo ano ang magiging takbo ng buhay pagkatapos
ng college? May mga oportunidad pa naman na pwedeng idagdag sa trabaho o gawing
full-time. Mangyari lang na buksan ang iyong isip at maniwala sa iyong
kakayahan, 'wag mawalan ng pag-asa. Sa panahon ngayon, hindi na big deal kung ano ang tinapos mo kundi magkano ang kinikita mo. Kung tutuusin matatalo mo ang masipag kapag madeskarte ka.
Kung nagustuhan mo at may natutunan ka sa blog kong eto. Please click LIKE and pwede kang magcomment below. Kagustuhan ko pong malaman ang iyong opinyon.
No comments:
Post a Comment