ABOUT ME

Hi my name is Kevin Maynard Gutlay. Bago pa magcollege gusto ko ng maging negosyante at magtayo ng sariling negosyo. Pero hindi ko nakuhang makapagtapos sa business course, nagtapos ako as a nurse recommended kasi eto ng mother ko for me and at the same time indemand ang nursing noon. I finished nursing at napasa ko ang board exam ng one take. Pagkatapos nun, nagattend ako ng maraming seminars at nagvolunteer nurse sa isang government hospital. Marami akong hirap na pinagdaanan noong nagduduty ako kahit walang sweldo buong puso kong sineryoso ang pagvovolunteer dahil nangarap ako dati na makapagtrabaho sa abroad. Natapos ko rin ang training ko, it is the right time for me to look for a job. Apply dito, apply doon, internet dito, internet doon, para akong ping-pong ball na paulit-ulit lang ang direksyon sa paghahanap ng trabaho. Hindi ako makuha sa nursing jobs na inaapplyan ko kaya napag-isipisip ko na kahit anong trabaho papasukin ko nalang may maibigay lang ako sa parents ko.
Pumasok ako as a sales agent sa Globe. Nag-alok ako ng internet broadbands thru house to house, namigay ng fliers ng internet, tumambay sa mga booths at nasubukan ko pang maging installer. Walong buwan din akong naging sales agent. Napakastressful at hindi naman sapat yung pagod na inilalaan ko sa kinikita ko. Nagdecide ulit ako na maghanap ng nursing opportunity. I landed as a Rehabilitation nurse. The salary of a Rehab-nurse is one thousand five hundred every fifteenth of the month. Naku, mukhang lalong lumiit ang kita kumpara sa pagiging ahente sa globe pero hindi ko nalang inisip yun. Minotivate ko nalang sarili ko na maraming nurses ang walang trabaho mas swerte pa ako na kumikita ako ng ganyang halaga kaysa wala.
Pinagkasya ko ang buong pangarap ko sa ganung halaga kasi yun ang gusto ko ang makapagbigay kahit papaanno sa parents ko. Sabi ko sa sarili ko, Eto ba yung kayang ibigay ng profession ko in order for me to be successful in life? Pinaghirapan ng parents ko ang lahat para makapagtapos ako ng nursing pero mukhang sa buong investment ng parents ko for my college until sa pagvovolunteer ko eh mukhang hindi pa ata kami bawi sa lahat ng kinita ko. Parang scam ata ang makapagtapos sa pag-aaral. I only worked eight months as a Rehab-nurse, sabi nila kung paulit-ulit mo daw ginagawa ang isang bagay, paulit-ulit rin ang magiging resulta mo and it proved me right.  I always prayed to God that I will do whatever it takes for me to be successful in life at alam kong sa lahat ng mga ginagawa ko kasama niya ako. Kung may failures or problems man na maencounter ko, it only means that God is only testing my faith and my patience.
Isang gabi sinubukan kong humingi ng sign kay God. After a week i knew that It is already the sign I’m asking from him. Siguro gusto muna ni God na subukan ko naman ang pagiging negosyante. Hindi na ako nagdalawang isip, I grabbed it. I entered as a Network Marketer. Pinag-aralan ko ng maige ang negosyo ko. Unti-unting nababago personality ko into positive. I developed my interpersonal skills, I learned to build relationships. The income I’m earning as a network marketer ay malayo sa kinita ko as nurse. Hindi ako na-iistress sa buhay dahil hindi ako nag-iisa. Everyday, marami akong natututunan. Pag-uwi ng bahay I always make it a point to use my time wisely to read because the next days I will share what I learned to my fellow partners. Nakakatuwa mang isipin na ngayon ko lang din natutunan kung paano gumawa ng blog and articles which I haven’t yet tried. I would like to share the world lahat ng mga natutunan ko at matututunan ko pamamagitan ng pagpopost ng articles. It is all about learnings in life na maaring makatulong sa ibang tao.

No comments:

Post a Comment