Tuesday, January 28, 2014

BUHAY EMPLEYADO


       Makakahanap ng trabaho sa pamamagitan ng advertisements at rekomendasyon, kinakailangan dumaan sa ibat-ibang screenings na magpapatunay kung angkop ang trabaho para sayo. Kapag natanggap ka na, “Congratulations! May trabaho ka na!” Makakatanggap ka ng nakapirming sweldo kada kinsenas at katapusan ng
buan. Kinakailangan mong pumasok sa tamang oras, kapag nahuli ka kakaltasan ang iyong kita. Wala kang ibang gagawin kundi sunduin lahat ng utos ng iyong boss. Kung kulang pa rin ang sinasahod mo pwede ka namang magovertime at maghanap ng pangalawang trabaho.

                     Kapag nagtagal ka sa serbisyo, makakabisado mo rin ang lahat. Pwede kang mapromote sa mataas na posisyon and you will move up in a ladder. Kinakailangan ng kumpanya ang buong oras at dedikasyon mo dahil  kailangan ka nila para umasenso. Magsasawa ka rin sa iyong trabaho, magplaplano kang mangibang bansa para kumita pa ng malaki kapalit ang malayong distansiya sa pamilya. Magiging matagumpay ka sa trabaho kung tataas ka sa iyong posisyon ngunit maraming kang pagsubok na haharapin. Andiyan ang stress sa opisina, stress sa boss, at stress sa dami ng trabaho. Ang off days mo ay tuwing Sabado, Linggo at holidays. 


Isyu ngayon na ang ikinatatampo ng mga anak sa kanilang mga magulang ay ang kawalan ng quality time. Nakakaapekto rin sa kalusugan ang pagbababad sa trabaho at nagreresulta sa malaking gastos at pangmatagalang pagpapagaling. Isinusugal mo na ang lahat pagdating sa trabaho dahil natatakot ka na kapag huminto ka sa trabaho hihinto na ang iyong mundo. Lilipas ang panahon, tatanda ka at magreretiro, pagdating sa edad 60 pataas dedepende ka nalang sa mga anak mo. Ganito ba ang mga hangad mo?   




Kung nagustuhan mo at may natutunan ka sa blog kong eto. Please click LIKE and pwede kang magcomment below. Kagustuhan ko pong malaman ang iyong opinyon. 


No comments:

Post a Comment