Monday, January 20, 2014

ANG COLLEGE DIPLOMA AT PAGIGING EMPLEYADO BA TALAGA ANG PARAAN SA PAG-ASENSO?



Noong mga panahon ni lolo’t lola, tatay at nanay kapag nakapagtapos ka daw ng pag-aaral at nakahanap ng magandang trabaho magiging maganda na daw ang iyong kinabukasan. Subukan mo silang tanungin ngayon at marahil Oo ang isasagot nila. Pero ikaw naman ang tatanungin ko ngayon. Sa tingin mo uso pa ba yan ngayon?

Maraming dahilan para sabihing hindi na ata uso ang kinagisnan ng ating mga magulang para maging maganda ang ating kinabukasan. Eto ang mga dahilan:
1.)             Maraming grumagraduate taon-taon
Sabi ng ating mga magulang. “Anak mag-aral ka ng mabuti, kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral, maghanap ka ng trabaho at gaganda ang buhay mo.” Pero mukhang malabong mangyari yan ngayon. Taon-taon nadadagdagan ang bilang ng mga grumagraduate sa kolehiyo. Dumadami ang nag-aaply ng trabaho sa kaunting job opportunities. As a result, iilan lang ang may trabaho at ang iba naman ay hindi ma-praktis ang kanilang propesyon at kahit na anong trabaho papasukin maghanap buhay lang. May maganda bang maidudulot eto sa mga graduates? Paano na ang kanilang kinabukasan?
2.)             Hindi kailangang college graduate para makuha sa trabaho.

Maraming ng job openings ngayon kahit high school graduate pwede ng mag-apply at makuha sa trabaho. Trabaho na tulad ng call-center agents, service crews, agents, at marami pang iba. Kinakailangan lang ng mga necessary skills na angkop sa trabahong inaaplyan. Nagsasagawa naman ang kumpanya ng orientation at on-the-job-trainings bago masabi na talagang tanggap na sa trabaho. Kaya sa panahon ngayon kahit hindi ka nakapagtapos ng kolehiyo pwede kang magtrabaho.
    
3.)             Unti-unting nilalamon ngayon ng mga makabagong teknolohiya ang iilang trabaho.

Panahon na ngayon ng Information Age. Karamihan ng ibat-ibang kumpanya at industriya sa buong mundo ay gumagamit na ng computers at makabagong gadgets para mapabilis ang trabaho at limitahan na ang bilang ng mga empleyadong nagtratrabaho.

Kaunti na lamang ang nagtratrabaho sa bangko ngayon kaysa noon. Kung dati hilera ang mga tellers na pupuntahan mo, ngayon ATM machines na ang haharapin mo. Kung dati kailangan ng surgeons sa operating room, ngayon mayroon ng mga ospital na gumagamit ng robotics para magsagawa ng operasyon. Kung dati libo-libong factory workers ang nagtratrabaho sa isang pagawaan, ngayon machineries na ang gumagawa ng ilan nilang trabaho, ilan lang yan sa mga trabahong inaangkin na ng teknolohiya. Hindi magtatagal lahat ng uri ng propesyon ay aasikasuhin na ng computers at mga robots. Paano na ang mga kasalukuyang nag-aaral ngayon at sa mga gragraduate na hindi na linya ang kanilang pinagaralan sa Information Age? Isa nanaman ba  etong kamot sa ulo?



Kung nagustuhan mo at may natutunan ka sa blog kong eto. Please click LIKE and pwede kang magcomment below. Kagustuhan ko pong malaman ang iyong opinyon. 

         

No comments:

Post a Comment